Sunday, March 20, 2011

The Adventures of Doding Daga.. (Ang alamat ng nakabaong kayamanan) Ikalawang kabanata..by Hoecst Salii

ANG NAKARAAN.....

Basahin nyo nalang yung naunang note nakakapagod magsulat ng paulit ulit...

Matapos mag production number ng diyosa Shourdesha bigla itong parang nasapian at gumiling ng gumiling habang binibigkas ang mga katang "Balagim Balagum Lalagum Lalagim" sabay turo sa sinapupunan ng inang reyna. Isang sumpa ang kanyang pinakawalan. Biglang nahinto ang mga pangyayari ant nagmukhang estatwa ang lahat maliban sa Diyosa habang tumutunog ang "Bad Romance na nagmumula sa 32G Iphone 4. Tatlong malagim na sumpa ang kanyang pakakawalan.

1. Ang pagkalimot ng mga nagsidalo sa tunay na pangyayari
2. Ang paghihirap ng angkan
3. Ang pagkamatay ng bata sa sinapupunan ng inang reyna.

Ang taray ng lola mo teh? Hindi lang nainvite sa party mag ma masacre na ng buong angkan? Kalorke!

Matagal din bago natapos ang paggawa ng sumpa habang binibigkas ni Lady Gagsa and "rahrahrumama, gaga ooh lala" ay pinag ibayuhan ng Diyosa ang paggiling upang maisagawa ang sumpa.

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, biglang naputol ang kanyang pagganap. Namatay ang ilaw at isang malakin "SHIT LOWBAT NA!" Nawalan na ng energy ang 32G Iphone 4 ng lola! Paano naman kasi ginamit pa ng mga kaibigan nyang bading na nag papractice ng production numberr sa darating na Miss Gay sa karatig bayan ayan tuloy.

Dalawang sumpa lang ang naisagawa. Bigo ang Diyosang puksain ang pesteng nasa sinapupunan ng inang reyna.

Biglang nagkamalay ang mga nagsidalo sa piging. Nagising at nagsiuwian ang lahat. Tangay tangay ang lahat ng hinand, ang computer ang ref ang lahat ng appliances.

Naghirap din ang hari at reyna. Hindi sa kadahilanang tumalab ang sumpa dahil hindi sila nakagpabayd ng credit card nila mula sa Citi bank na ginamit pang swipe sa tatlong kabayo na ginagamit nila sa araw araw. Hindi mo rin sukat akalain inimbitahan din pala ang Loan Officer ng Citi sa piging na iyon at nagkataong lahat ng gamit ay kinolateral pala ng mag asawa. Hmmmmm... Pa sosy pala sila!

..... Makalipas ang walong buwan, natagpuan na lamang ang mag asawang hari at reyna na nagsasaka sa lupa ng kanilang dating katulong. (Sosyal si Inday umangat ang level!)


Itutuloy....

Tuesday, March 15, 2011

the adventures of doding daga by Hoecst Salii


Bago pa man sinakop ni Magellan ang Archipelago ng Pilipinas ay may isang kwentong unti-unti nang nakakalimutan. Kung hindi ko pinag aksayahan ng panahong alalahanin ay tiyak nakalimutan ko na rin.

Ito ay tungkol sa isang haring walang ibang ginawa kundi i update ang kanyang facebook status mula umaga hanggang gabi. Nakatira sila sa isang marangyang kaharian kasama ang reynang walang ibang inatupag kundi suklyain ng suklayin ang nalalagas niyang buhok dahil sa Korean conditioner na nabili nya sa karatig bayan kung saan ang kalakalan ng shampoo at conditioner ang tanging ikinabubuhay ng mga tao.

Isang araw, biglang nahilo ang reyna habang sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang first class immitation of the then known hair doctor. Nagkagulo ang lahat ng nasa kaharian kasama ang mga kabayo, kawal mutsatsa pati narin ang mga hindi kasali sa kwentong ito. Napag alaman ayon sa natatanging doktor sa bayan (na sa pag aaral ng medisa dalawang ipin nalang sa harap ang natira) na ang inang reyna ay nagdadalang tao pala. Agad agad nagpatawag ng piging ang hari at inimbitahan ang lahat ng salamangkero at salamangkera sa buong kaharian upang mag alay ng panalangin sa magigng anak ng hari at reyna.

Lingid sa kaalaman ng lahat, isang salamagkera pala ang hindi inimbitahan Siya si Shourdesha Shusbintoysh. Diyosa at salamangkera ng kapansanan sa paningin sa sarili. Ang hindi rin alam ng lahat na itong salamangkerang si Shourdesa at ang reyna ay may malaking hidwaang naganap mga humigit labin limang taon na ang nakalipas. Nangyari ito nga talunin ni Shourdesa ang reyna sa SCQ Kiddie Questor na nuon ay hindi pa napanood sa channel 2. At ang hindi rin alam ng lahat, sa paligsahang iyon ni isa sa kanila ng reyna ay hindi nanalo. Subalit, hindi natin pag uukulan ng panahon ang dalawang ito kasi hindi naman sila ang bida sa alamat na ito.

At gayun may naganap ang piging. Dumating ang lahat ng inimbitahan at masayang nagdiwang ang kaharian sa pagdadalang tao ng inang reyna. Habang ang mga kawal at ang mga mutsatsa ay masayang nagkukuray ng jundo biglang may dumating sa isang hindi inaasahang pagkakataon. BOOOMM!!! Tunog ng malakas na pagsabog. May kulay berdeng usok na lumalabas sa pintuan kung saan nanggagaling ang pagyanig. Nagsilabasan ang mga babaeng walang ibang saplot kundi ang kanilang salungsuso at maiksing sya na tinatakpan ang kanilang private parts. Kumikinang kinang pa ang mga ito. Natigilan ang mga kawal subalit ang pinakamatinding pasabog sa lahat ay ang paglabas ni Shourdesha na naka ala Tina Turner outfit sabay sa pagtugtog ng awiting "what's love got to do with it?" na nagmumula sa kanyang 32G Iphone 4 with speakers.

itutuloy... Take note hindi pa lumalabas ang bida...

Wednesday, March 2, 2011

life in blur

have not been doing lately.

not even updating my blog.


still have not come up with my clothing line and i hate it!

would have to be very very very stingy about my money now so i could buy my sewing machines and my textile and my needles and my pins and my zips and my buttons and my threads. gosh! a lot! haha!