Sunday, March 20, 2011

The Adventures of Doding Daga.. (Ang alamat ng nakabaong kayamanan) Ikalawang kabanata..by Hoecst Salii

ANG NAKARAAN.....

Basahin nyo nalang yung naunang note nakakapagod magsulat ng paulit ulit...

Matapos mag production number ng diyosa Shourdesha bigla itong parang nasapian at gumiling ng gumiling habang binibigkas ang mga katang "Balagim Balagum Lalagum Lalagim" sabay turo sa sinapupunan ng inang reyna. Isang sumpa ang kanyang pinakawalan. Biglang nahinto ang mga pangyayari ant nagmukhang estatwa ang lahat maliban sa Diyosa habang tumutunog ang "Bad Romance na nagmumula sa 32G Iphone 4. Tatlong malagim na sumpa ang kanyang pakakawalan.

1. Ang pagkalimot ng mga nagsidalo sa tunay na pangyayari
2. Ang paghihirap ng angkan
3. Ang pagkamatay ng bata sa sinapupunan ng inang reyna.

Ang taray ng lola mo teh? Hindi lang nainvite sa party mag ma masacre na ng buong angkan? Kalorke!

Matagal din bago natapos ang paggawa ng sumpa habang binibigkas ni Lady Gagsa and "rahrahrumama, gaga ooh lala" ay pinag ibayuhan ng Diyosa ang paggiling upang maisagawa ang sumpa.

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, biglang naputol ang kanyang pagganap. Namatay ang ilaw at isang malakin "SHIT LOWBAT NA!" Nawalan na ng energy ang 32G Iphone 4 ng lola! Paano naman kasi ginamit pa ng mga kaibigan nyang bading na nag papractice ng production numberr sa darating na Miss Gay sa karatig bayan ayan tuloy.

Dalawang sumpa lang ang naisagawa. Bigo ang Diyosang puksain ang pesteng nasa sinapupunan ng inang reyna.

Biglang nagkamalay ang mga nagsidalo sa piging. Nagising at nagsiuwian ang lahat. Tangay tangay ang lahat ng hinand, ang computer ang ref ang lahat ng appliances.

Naghirap din ang hari at reyna. Hindi sa kadahilanang tumalab ang sumpa dahil hindi sila nakagpabayd ng credit card nila mula sa Citi bank na ginamit pang swipe sa tatlong kabayo na ginagamit nila sa araw araw. Hindi mo rin sukat akalain inimbitahan din pala ang Loan Officer ng Citi sa piging na iyon at nagkataong lahat ng gamit ay kinolateral pala ng mag asawa. Hmmmmm... Pa sosy pala sila!

..... Makalipas ang walong buwan, natagpuan na lamang ang mag asawang hari at reyna na nagsasaka sa lupa ng kanilang dating katulong. (Sosyal si Inday umangat ang level!)


Itutuloy....

No comments:

Post a Comment