Monday, August 8, 2011

The Adventures of Doding Daga....ang Ikapitong Kabanata

Ang nakaraan.. Hindi ko na babalikan..

Habang abala ang mga kalahok sa Q&A portion, isang hindi inaasahang panauhin ang dumating.. Hmmmm.. (Umeeksena talaga itong si lola) sino siya? Hmmmm...

Puwes sasabihin ko sa kabanatang ito.. Hahahaha.. Walang iba kundi ang dyosang saksakan ng epal at walang ibang ginagawa kundi salakayin ang lahat ng kaganapan. Si Shourdesa.. Nakilala natin sya sa kanyang production number gamit ang kanyang iphone4.. Ngayon ano na naman kayang lagim ang kanyang idudulot?.

Hindi namalayan ng mga naroon ang kanyang pagdating dahil nga hindi siya ang bida nung gabing iyon..

Hinahanap nya ang kambal at tila ba may part 2 ng sumpaang magaganap! Nanlilisik ang kanyang mga mata habang malakas na pinakikinggan ang born this way ni Lady Gaga sa kanyang mp5.. (Isinanla na nya ang kanyang iphone4 matapos sya singilin ng mga bakla sa kanilang nayon.. Ayon sa kanila umutang daw itong si shourdersa ng mga avon products ang nakaligtaang magbayad kaya tumubo ng bonggang bonggang interest rates..)

Isang malamig na kamay ang humawak sa kanya dahilan ng kanyang pagkabuwal sa kinatayuan.. Nang kanyang tingnan.. Hmmmm.. Sino kaya?

Abangan!

No comments:

Post a Comment