Monday, August 8, 2011

The Adventures of Doding Daga....Ikaanim na kabanata


 Ang nakaraan... ay nakalipas na.. haapin na natin ang kasalukuyan...

Nangyari na nga ang ina asam asam na kahindik hindik na paligsahan sa pinakamagandang dilag sa ilalim ng bulkang taal.
Pero bago natin talakayin iyan, atin munang pangalanan ang dalawang bidang nagbibigay kulay sa madramang tagpong ito.

Sila ay sina....

Arianna - Siya ang naunang lumabas sa sinapupunan ng inang reynang ngayon ay naging isang masigasig na pangulo ng kanilang purok sa lupa. Si arianna ay mejo may kapngauan ang ilong at may tindig na 4'6".. Hindi kasi naisipang ibili ng tiki tiki star nuong kabataan kaya hindi na timangkad. Sa dalawa, siya ang pinakamaganda. Yun ang sabi niya. Meron xang kakaibang katangian na matatagpuan sa iilang bahagi ng kanyang katawan. Kung ano ito, malalaman nyo sa mga susunod na kabanata.

Alesa - Siya ang of course panghuling lumabas alangan naman pangatlo eh dalawa lang sila. Siya rin ay mejo hugis manga ang mukha at may kapanguan din ang ilong. Hindi rin siya gaanong tumangkad subali siya ay may tindig na 4'7". Sa kanilang dalawa ayon sa kanya siya ang mas maganda. Hmmm... Meron din siyang isang bagay na makikita sa bahagi ng kanyang katawan na kakaiba. Malalaman ninyo kung ano ito sa mga susunod na kabanata.

Ayun nga, halos hindi na makahinga ang kambal sa gabing iyon dahil siguro sa costume nilang napakasikip. Hindi kasi nila namalayan sa kakakain nila ng toblerone at blueberry chessecake ay lumulobo na sila. Oo nga, mukha rin silang lobo kung minsan..

Nagpakitang gilas ang mga kalahok na naglalaban laban sa korona. May nag ala Lady Gaga, nag ala Michael Jackson na kambing na kumanta pa ng thriller. Meron ding ibang walang ginawa kundi mag declamataion. Paiyak iyak pa ang isang kabayong nakasali dahil isa siyang pokpok sa Japan ayon sa kwento ng kanyang declamation. Nagsiiyakan ang mga bakang nanunood. Agad agad namang pumalakpak ang pusa at mga surot dahil sila man din ay nasiyahan sa mga nangyari ng gabing iyon.

Nang tawagin na ang kambal, agad silang pumanhik sa entablado suot suot ang kanilang mga costume na hindi maipaliwanag kung ginusto ba nilang magmukhang kabayong sinusurot o baka na masikip ang balat. Nakakaloka talaga. Nagsisigawan ang mga palakang tila naka relate ng biglang tumunog ang kantang hit me baby one more time. Ang taray! Si britney spears pa ang napili ng mga puta! in fairness kuhang kuha nila ang boses ni britney na parang nakalunok lang ng tatlong saging at humihingal hingal pa na tila nahihirapang huminga. Mahangin, mabentelador lang!

Natapos din ang talent portion at dali daling nag bihis ang mga kalahok para sa QnA.

Ipagpapatuloy...

No comments:

Post a Comment