Monday, August 8, 2011

The Adventures of Doding Daga....ang Ikaapat na Kabanata by Hoecst Salii


 Nangyari nga ang pagbaon sa dalawang supling ng matiwasay. Umiiyak subalit gumaan ang loob ng mag asawa at sa wakas pwede na rin silang bumalik sa pagsasaka. Pwede na silang pumunta araw araw sa Mango Square and mag party nang mag party sa Numero Doce.

Lumipas ang ilang buwan at mga linggo araw oras at minuto, unti unti nang nakakalimutan ng lahat ang tungkol sa mga bata. Kahit ako nga, muntik ko na ring makalimutan.

Datapwat nailibing ng buhay, hindi ito naging hadlang ubang mabuhay sila sa libingan.

 Ang dalawang bata ay maswerteng nakupkop ng mapagmahal na mag asawang surot at ginawang parang tunay na rin nilang mga anak. Kawani ng sagip kapamilya program si amang surot at isa namang social worker na nagtatrabaho sa bantay surot 163 si inang surot.

Namuhay na parang normal na mga surot ang dalawang bata. Pinag aral sila sa isang exclusive school ng mga surot.

Kagaya ng normal na mga surot, naransanan din ng dalawa ang matukso at katakutan ng ibang mga batang surot. Kalimitan tinutukso at inaapi ngunit ang dalawang bata ay patuloy sa pag aaral ang naging palaban. Hindi lang sumasagot minsan suibalit kung todo na ang sakit na nararamdaman, bigla nalang nilang pinag titiris ang kanilang mga kaklase. Ito rin ang ang dahilan kung bakit tanging silang dalawa at isang surot nalang ang naiwan hanggang magtapos sila ng high school.

Sa kabilang dako sa pamamahay ng tunay na mga magulang ng mga bata, matiwasay at masagani ang kalakalan ng bagong produkto. Sting Energy Drink. Ito ang naging daan upang mapaunlad ng mag asawa ang kanilang kabuhayan at silay unti unting umahon sa kahirapan. Kingid sa kanilang kaalaman, ang dalawang bata na minsan nilang inilibing ay buhay na buhay sa ilalim ng lupang kanilang kinatayuan.

Ipag papatuloy....

No comments:

Post a Comment