Monday, August 8, 2011

The Adventures of Doding Daga...Ikatlong Kabanata by Hoecst Salii


Hindi ko isusulat ang nakaraan alam nyo na kung ano ang gagawin.

Isang gabi habang tahimik ang lahat maliban sa dalawang palakang kokak nang kokak ng wala namang dahilan biglang nakaramdam ng pagsipa sa kanyang sinapupunan si dethroned inang reyna. Kabuwanan na niya. Dali daling tumawag ng kumdarona ang previosly known hari upang tumulong sa panganganak..

Umiri ng umiri si inang reyna.. (Habang tumutunog sa background ang "Saan ako nagkamali?") Hindi rin maipaliwanang kung saan nanggaling ang background music.

Pagsapit ng hating gabi lumabas ang bata. "Ala eh? pagkagandang bata!" Aniya kumadrona. Hindi tinignan ng amang hari angbata dahil atubili siya sa pag aalaga ng kanyang asawang kapanganganak lamang. Ilang sandali sumigaw nanaman si inang reyna at parang kuna anong tukso ba ng pagkakataon ang nangyari at tumunog na naman ang "Saan ako nagkamali?" Naging hudyat na tuloy ito na bata nanaman ang lalabas. At tama nga sila bata nga. "Ala eh? pagkagandang bata!" Aniya kumadrona. Sa isip ng inang reyna, "Wala na bang ibang empathy statement itong si lola? parang nagiging trned na ahh" subalit agad agad din naman niyang winaglit sa isipan ang hindi magandang naisip.

NAGSILANG NG KAMBAL NA BABAE ANG INANG REYNA. (Kung sino ang pangalan ng dalawang bata ay hindi ko muna sasabihin. Abangan na sa susunod na kabanata.)

Nang mahimas masan na at maliguan na ang dalawang bata, agad itong dinala ng kuadrona sa medyo mahina pang inang reyna. Agad agad binigkas ng matabil na kumadrona "Eto ang mga kayamanan nyo"

Nang tingnan ang dalawng bata, naiyak ang mag asawa. Hindi sa tuwa of course. Sa hinagpis! para silng biniyayaan ng dalawang malalaking hamster na may malalking matra na kung titngin sayo parang hindi mo ma ge gets na ikaw pala ang tinitingnan. Parang ang katabi mulang. Suwabe ter, suwabeng suwabe ang pagkaduling ng mga going bulels...

Upang hindi sumama ang loob ng kumadrona, sumang ayon nalang ang mag asawa at sinabing " Oo nga kayamanan nga". Sa isip ng mag asawa, halika! ibaon natin.

Lumipas ang gabi ay walang ni isa sa kubo ang nakatulog. Ang lalakas umiyak ng mga bata kahit pinainom na ng gatas ay iyak n ang iyak parin parang hindi nabubusog. Tumindi ang pagpapasya ng dalawa na ilibing buhay ang kawawang halimaw este dalawang bata =ng walang kamuwang muwang sa mundong singaling..

Kinabukasan, naganap ang pagbaon sa dalawang bat...


Itutuloy....

No comments:

Post a Comment