Matapos ang humigit kumulang limang araw na paghihintay. Muling magbabalik sa pinilakang tabing ang dalawang kambal na hanggang ngayon ay hindi pa na register sa NSO dahil wala paring mga pangalan.
Itago nalang muna natin sila pansamantala sa ilalim ng bulkanng taal kung saan kalimitan ay nagiging libangan nila ang pag pipictorial...
Sabay sa paglaki at pagdadalaga ng kambal ay lalong gumaganda ang kanilang paningin sa sarili. Isang karamdamang walang lunas. Ang kapansanan sa pagtukoy sa kaibahan ng pangit at maganda. Subalit, itong kambal ay walang ibang nakikitang maganda maliban sa mga sarili nila. (Kalurky talaga!)
Isang araw, dahil nga walang magawa ang mga naninirahan sa ilalim ng bulkan naisipan nilang gumawa ng isang paligsahan. Paligsahan sa pinaka magandang hayop sa balat ng lupa. Naisipan agad ng dalawa na sumali. Hmmm....
Ang nasabing paligsahan ay dinaluhan ng humigit kumulang dalwang daang kababaihan kasali na ang mga babeng kambing kabayo karnero palaka kulisap surot at mga nilalang na nasa ibang dimensyon..
Matagal din natapos ang preliminary audtions. Dalawampung babae lamang ang makakasali sa ang ang maglalaban laban para sa korona.
Ipagpapatuloy... Whahahahahahaha!
No comments:
Post a Comment